<body>
<body>
Y Tuesday, August 29, 2006Y
5:35 AM
BUWAN NG WIKA.

Ilusyon...

kahapon, lunes ika-28 ng Agosto taong 2006 ginanap ang madulang pagkukwento sa unang taon na may temang ILUSYON. para sa isang baguhan sa larangan ng pagtatanghal masasabi kong ang ipinakitang produksyon ng pangkat labing-dalawa at labing tatlo ay angat sa iba. una dahil malinis at hindi masyadong magulo ang presentasyong ipinakita nila. pangalawa dahil magaganda ang konseptong kanilang naisip para sa kanilang presentasyon. halos pare-parehas lang ng konsepto ang 3 pang pangkat na natira. pare-parehas may darna, na maliliit(petite, ika nga sa wikang banyaga) nandyan din si wonder woman at nagtag-team pa sila ni darna para supilin lahat ng smugglers at pushers pati narin ang mga rapers..??!! haha RAPISTS dumating din ang walang kapita-pitagang si Superman na tinakpan ng band-aid ang Mt. Mayon upang hindi sumabog (seksyon 13). nandyan din si Kapitan Barbell kasama na si Goku na galing Japan at si Eugene na may Ray Gun. nagusap-usap ang mga superheros ang iba ay napagplanuhang pupunta at gegerahin ang senado, ang iba namn ay lilipad papunta sa plenaryo. at ang iba at bubulusok paibaba ng langit patungong Malakanyang. dumating naman si Sabina at ang kanyang lolong si Markadan na nagpasiklab ng kanyang mahika. lumabas sa mga daliri ng dilag ang nagsisikulayang mga sinag.. (seksyon 14). sa mga sinabi ko lumitaw ang mga sumusunod dahil sa kanilang husay at galing sa pag-arte ang pag-sambit ng mga salita.
unang gantimpala = pangkat 12 ni Ginang Llaban??
pangalawang gantimpala = pangkat 13 ni Ginoong Miranda
ikatlong gantimpala = pangkat 14 ni Ginang Manda

Buhay sa Quiapo...

Klang.. Klang.. Klang.. napakagandang tunog, tunog ng kampana sa simbahan ng Quiapo.. ang centro ng relihiyon at pagsamba sa lugar na iyon.. pare-parehas din ng piyesa ang mga pangkat.. ngunit hindi gaya sa unang taon iba iba ng konsepto ang ikalawang taon. masasabi ko na malaki ang inimpruba o ipinagbago ng mga 1st year nuon kumpara sa 2nd year ngaun.. kagaya din sila ng 1st year ngaun.. (ang gulo aahh..) anyways.
analysis ng kanilang ginawa.. bawat pangkat

pangkat 20 = ang mga batang Quiapo. mganda ang kanilang mga posisyon (yan ay dahil kay G. Sonajo magaling ang pagbigkas... at facial expression. ngunit litaw na litaw ang boses ng mga kababaihan.. madami ang lalaking boses babae.. hindi pa litut's si manoy! haha mgaling ang hand and body movements.
pangkat 21 = malungkot ang tema ng kanilang presentasyon.
maganda ang konsepto na miming.. kalahati ng mukha ay puti kalahat ay itim. nagsisimbolo ng kabalansehan.
maganda rin ung ideyang ipinasok nila na may namatay at silaý nagluluksa.
may pagkakalat ng onti sa ilang eksena ng kanilang presentasyon.
madaming unnecessary movements, tulad ng paghawi ng bangs o buhok.
sa madaling salita. mahusay na ngunit bitin ng onti ang kanilang presentasyon.
they deserve the 2nd place.
pangkat 22 = ang pangkat ni Ginang Elioda.. este Jean Garcia, este G. Viacrusis pala
maganda ang konsepto. madaming unnecessary movements. madaming hindi pagkakasabay sabay.. kalat kalat ang kanilang mga ideya.. nagkalat pa sila ng baraha sa table ng mga inampalan.. (mga hurado).. natawa na lamang ang aking paboritong gurong si G. Arlene Coronado (kahit di ko cia teacher..) pero i know her.. alam ko na magaling siya. anyways.. sa madaling salita maganda na sana? ngunit may kulang pa.
pangkat 23 = ang pangkat ni Ginoong Filamor. maganda ang kanilang prologo. may guapo pa.. haha.
maganda ang hand movements nila. puro tawa. nakatulong ito sa pagbibigay sigla sa script na may temang malungkot. maganda ang kanilang ginawa.
pangkat 24 = ang pangkat ni Ginang Magbohos. maganda na sana ngunit andaming tao ang nagkakalat..
madaming lalaki sa likaran ang dumedepende sa iba. parang un ang ginagawa nilang cue para gumalaw sila
magulo ang kanilang konsepto, hindi ko masyadong naintindihan..
pangkat 25 = the section of Mrs. Pasion.. it was so flambuoyant echos!! maganda ang kanilang presentasyong ginawa. naloka lang ako dun sa pinaggagagawa ni princess duon, dyos ko hindi siya mukhang manghuhula, para siyang nagbebenta ng goldfish duon sa tabihan na puro stars and everything na mga ka-eklatan on the side diba. may mga linya na hindi naibibigkas nang tama. madami ding kalalakihan ang nakakagulo sa likuran lalu na si SURIO haha namukhang Fernando Poe after na maaksidente.. they deserve the 3rd price!
unang gantimpala = pangkat 20 ni Bb. Duka
ikalawang gantimpala = pangkat 21 ni G. Seguban
ikatlong gantimpala = pangkat 25 ni Ginang Pasion
Una at huli. (Madulang Akrostiks)
"the much awaited moment has finally come" sabi ng isang guro sa 3rd year
tunay nga ang mga presentasyong pinagpuyatan at pinagpaguran ng mga ate at kuya ninyo (kabilang na ako) sa ikatlong taon, ang pinaka-hihintay ng lahat. hindi nman maitatanggi na ang aming batch ang may pinaka magagandang presentasyon.. (nagmalaki ang lola mo?? haha) timer nanaman ang drama ko..
uhhmm.. ayoko nang mag-evaluate pa dahil alam naman nang lahat na dinaan lang ng isang section sa props ehh.. well that's life.. may mga hurodo na sadyang isip bata at mahihilig sa mga makukulay na props.. ito lamang naman po ay may labing-limang bahagdan, paalala lang.
anyways.... talo kami
unang gantimpala = 34 Ms. Noble.. Ginang Adriano (Guro sa Filipino)
ikalawang gantimpala = 32 Ms. Estabillo.. Mr. Sonajo (guro sa Filipino)
ikatlong gantimpala = 35 Mr. Alcuaz.. na hindi naman kumikilos.. Ginang Adriano (Guro sa Filipino)
TALO ANG AMING PANGKAT!! hindi ako sanay.. huhu.. hindi talaga.. pero i'm a good sport. smile nalang. :)

window.defaultStatus=" Having many GUY friends is way BETTER than having a boyfriend! ";